21

By

OFWs sa Kuwait, pinayuhang maghanap ng trabaho sa iba pang bansa

Sharing is caring!

Malaki ang labor markets sa Middle East at iba pang mga bansa.

Iyan ang nais iparating na mensahe ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel sa mga overseas Filipino worker (OFWs) sa Kuwait na tutugon sa panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte para umuwi na sila sa Pilipinas.

Ito’y sa gitna ng diplomatic row ng Pilipinas at Kuwait na nilikha ng kontrobersiyal na rescue mission ng Philippine Embassy sa ilang OFWs na humantong sa pagpapalayas kay Ambassador Renato Villa.

Ayon kay Pimentel, maaari pa ring humanap ng trabaho ang mga OFW sa ibang dayuhang labor markets kung gusto pa rin ng overseas employment.

“Outside of Kuwait, we have far bigger labor markets in other parts of the Middle East and elsewhere that offer better protection for our workers,” sabi ni Pimentel.

Binanggit ng kongresista ang Saudi Arabia at ang United Arab Emirates (UAE) na aniya’y tatlong beses na mas malaki kumpara sa Kuwait.

Nariyan din aniya ang Qatar, Oman at Bahrain na may labor markets para sa mga Filipino.

“In any labor market, what is important is that the jobseekers must have the skills that they can sell to employers,” ayon sa mambabatas.

Sa kaso naman ng mga domestic worker sa Kuwait na magdedesisyong bumalik sa bansa, puwede aniyang sumailalim ang mga ito sa mga programa ng Technical Education and Skills Development Authority.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?