124

Dec 18, 2017 @ 18:47
By

OFWs sa Iraq, puwede nang magbakasyon ngayong Pasko sa Pinas

Wala nang dapat ikatakot ang mga Filipinong manggagawa sa Iraq na wala na silang babalikang trabaho kapag sila ay nagbakasyon sa Pilipinas ngayong Pasko.

Ito ay matapos aprubahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang panukala na nagbibigay ng karapatan sa mga OFW sa Iraq na magpalipas ng Kapaskuhan sa Pilipinas na hindi sila mawawalan ng trabaho.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano, sinang-ayunan niya ang posisyon ng Philippine Embassy sa Baghdad na sumailalim sa Balik Manggagawa program ang mga OFW sa Iraq.

Iginiit lang ni Cayetano na kailangan ay matiyak ng mga amo ng OFWs ang kailgtasan at seguridad ng ating mga kababayan.

Matapos pirmahan ang sulat mula sa embahada, ipinadala na ito ni Cayetano kay Labor Sec. Silvestre Bello III para maaprubahan.

Tinatayang may 1,000 OFWs sa Iraq. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?