58

By

OFWs sa HK pinaiyak ni Duterte sa kanyang awiting “Ikaw”

Sharing is caring!

Mainit na tinanggap ng mahigit dalawang libong overseas Filipino workers si Pangulong Rodrigo Duterte sa pakikipagkita nito sa Filipino Community sa Hong Kong ngayong gabi.

Bago magtalumpati ang Pangulo ay nakipag-duet ito sa isa sa mga performer sa Kaitak Cruise Terminal at inialay ang kantang “Ikaw” sa mga OFWs na naging dahilan para mapaiyak ang mga ito.

Sa kanyang talumpati ay ibinalita ng Pangulo na maayos ang Pilipinas at nagpasalamat ito muli sa suportang ibinigay sa kanya noong nakalipas na eleksiyon.

“Itong pagka-Presidente ko po ah talagang handog ng Diyos sa akin, kayo ang ibinigay sa akin. When I sing ikaw, kayong lahat yan,” anang Pangulo.

Ibinalita rin ng Pangulo na pupunta siya sa Kuwait para ayusin ang kapakanan ng ibang Pilipinong nagtatrabaho sa nabanggit na bansa.

Sasaksihan aniya nito ang lagdaan ng kasunduan sa pagitan ng gobyerno at Kuwaiti government para sa mas maayos na kondisyon ng mga ofws.

Ayon pa sa Pangulo, hindi siya magtatagal sa Kuwait at “Fly in- fly out” lang ito.

“I have yet to make the rounds but I’m going to Kuwait maybe for the signing. Alam mo…I do not want to…kumalma naman, and I have made so many demands before we sign the contract. And in fairness to the Kuwait government pumayag sila. I will go there for the signing just to witness it,”dagdag pa ng Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?