64

Dec 15, 2017 @ 16:09
By

OFWs na uuwi sa Pasko, makakabalik pa din sa Iraq – DFA

Inaprubahan ni Foreign Affairs Secretary ang Selective Balik Manggagawa Coverage para sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Baghdad at iba pang bahagi ng Iraq.

Sa ilalim nito, ang mga OFW sa Iraq na uuwi sa Pilipinas ngayong Kapaskuhan ay pwedeng bumalik doon sa Iraq basta’t may bitbit na garantiya na titiyakin ng employer ang kanilang kaligtasan kapag bumaik sila sa trabaho.

Nitong nakaraang tatlong taon, maraming Pilipinong trabahador sa Iraq ang hindi umuwi sa bansa dahil hindi na papayagan ng gobyerno na bumalik sa Iraq dahil sa mga kaguluhan dioon.

Mula noong 2014, nasa Crisis Alert Level IV ng DFA ang Iraq. Sa ilalim nito, may mandatory repatriation o pinapauwi na at sinasagot ng gobyerno ang pag-uwi ng mga Pilipino.

BUnsod iyon ng pagsakop ng Islamic State (ISIS) sa Mosul at iba pang syudad at nagtangka ring sakupin ang Baghdad at Erbil.

Sa ngayon, tinatayang 1,000 ang mga Pilipinong nagtatrabaho as Baghdad, Basra, Babil, Dhiqar, Karbala, Maysan, Muthanna, Najaf, Qadisiyah, Saladin, Wasit at mga deklaradong ligtas na bahagi ng Iraq.

Ayon kay DFA Secretary Alan Peter Cayetano, ang papayagang makabalik sa Iraq ay iyong mga nagtratrabaho sa mga kumpanyang Pilipino, Iraq, United States at iba ang kumpanyang may kontrata sa Iraqi government at mga bansang kasapi ng International Coalition, United Nations at iba pang international organization at non-government organization.

Makikinabang din sa programa ang pribadong staff ng mga foregin diplomat na nakatalaga sa Baghdad at trabahador ng mga ranking official ng Iraqie government.

“After more than three years of waiting, our kababayans in Iraq will now have the opportunity to be reunited with their families in the Philippines without having to worry about not being able to return to their jobs in Baghdad, Basra, and other safe locations there,” ayon kay Cayetano. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?