20

Mar 26, 2020 @ 16:19
By

OFWs na tinamaan ng COVIC crisis tulungan

Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Pangulong Rodrigo Duterte na isama ang mga overseas workers na nawalan ng trabaho sa social amelioration at adjustment programs sa ilalim ng Bayanihan Act.

Sinabi ni TUCP Rep. Raymond Mendoza, nasa 169 OFWs na ang tinamaan ng COVID-19 at dalawa na ang namatay. Base sa Job Displacement Monitoring ng DOLE hanggang nitong March 23 ay umabot na sa 3,169 OFWs ang apektado ng krisis dulot ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?