91

Dec 1, 2020 @ 18:17
By

OFW wagi sa kasong rape kontra pulis Kuwait

Makalipas ang walong taon, nakauwi na ng Pilipinas ang isang overseas Filipino worker (OFW) na nalasap na ang hustisya kontra sa isang pulis sa Kuwait.

Ayon kay labor attache Nasser Mustafa, kasama si Marites Torijano sa mga pinauwing OFW noong November 29.

Walong taon namalagi ang biktima sa Migrant Workers and Other Filipino Resource Center habang naghihintay ng resulta sa kanyang kaso.

Ayon kay Mustafam si Torijano ay dumating sa Kuwait noong September 2016 kung saan nagtrabaho ito bilang domestic worker bago lumipat sa isang dress shop sa Farwaniya.

Noong 2012, nahuli siya ng isang Kuwaiti police habang hindi pa nare-renew ang kanyang residence visa ng kanyang employer.

Imbes na dalhin siya sa police station ay sa isang disyerto pumunta ang pulis at ginahasa ang OFW sa loob ng patrol car.

Hindi pa nakuntento ang pulis at sinaksak ang Pinay sa leeg at likod, Matapos nito ay gumapang si Torijano sa gild ng kalsada hanggang maisakay siya ng isang napadaang motorista at dinala sa Mubarak Hospital.

Nasentensyahan ng death penalty ang pulis noong 2014, ngunit binaba ito sa life imprisonment matapos umapela ang pulis.

Ginawaran naman ng P3M ang OFW dahil sa civil damage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?