295

Jun 8, 2021 @ 21:46
By

OFW sa Saudi grinipuhan sa leeg

Nanawagan ng tulong kay Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya ng isang OFW sa Saudi Arabia na natagpuang patay at may saksak sa leeg.

Ayon sa “24 Oras” report, nakatakda na sana ang pag-uwi sa Pilipinas ng biktimang si Reandro Molino, isang safety technician, pero bago pa man niya makasama ang pamilya ay natagpuan siyang patay sa kanyang bahay sa Riyadh.

Kuwento ng misis ng biktima na si Susan, nakapag-usap pa sila online ng kanyang asawa bago ito pumanaw.

Nasabi raw sa kanya ni Reandro ang panghihina at pakiramdam na mayroong trangkaso matapos mabakunahan ng ikalawang dose ng COVID-19 vaccine.

Nitong June 8, nabanggit sa kanya ng mister na may problema ito pero hindi ito idinetalye.

Tumawag din kay Susan ang manager ni Reandro para ipaalam na natagpuang walang buhay ang biktima at sinaksak sa leeg ng kutsilyo.

Naniniwala naman ang kapatid ni Reandro na si Melchi Montecarlos na planado ang pagpatay sa kanyang utol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?