36

By

OFW sa Malaysia may discount sa Pacquiao, Matthysse fight

Sharing is caring!

Inutos ni Senador Manny Pacquiao na bigyan ng discount sa ticket ang mga OFW at mga Pinoy na nagtatrabaho sa Malaysia na gustong manood ng laban niya kay Matthysse ngayong Linggo sa bansa.

Rason ng senador, gusto niyang ma-experience ng ating kababayan ang kasiya­hang dulot ng pa­nonood ng boksing.

Ang laban kasi ang una ring project ng kanyang MP Promotions matapos kumawala ni Sen. Manny kay Bob Arum. Gaganapin ang laban sa Axiata Arena sa Kuala Lumpur.

Sa pic na naglabasan sa Instgram ng business manager niyang si Arnold Vegafria, nag-courtesy call siya sa Malaysian Prime Minister na si Mahathir.

Sa dami ng boxing fight ni Pacquiao, ngayon lang magkakaroon ng discount sa mga kababayan niyang manonood. Marami siyang mapapaliligayang kababayan natin sa pahayag niyang ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?