15

Jan 13, 2021 @ 17:15
By

OFW sa HK na may UK COVID variant, maayos na ang lagay

Nasa stable condition na ang overseas Filipino worker (OFW) na mayroong UK variant ng COVID-19 sa Hong Kong.

Ito ang ibinalita sa Laging Handa press briefing ni Department of Health (DOH) Undersecretary Rosario Vergeire.

Ayon sa opisyal, naka-confine sa isang ospital sa Hong Kong ang OFW at maayos ang kanyang kondisyon.

Hinihintay naman aniya ng DOH ang resulta ng genome test ng mga kamag-anak at kaibigang nakasalamuha ng domestic helper noong umuwi ito sa Pilipinas noong Disyembre.

“Ito pong kababayan na nasa Hong Kong who tested positive, apparently according to Hong Kong authorities she is in stable condition,” ani Vergeire.

Ang OFW ay nanggaling umano sa Cagayan Valley at pagbalik sa Hong Kong ay nagpositibo ito sa UK COVID variant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?