17

Dec 29, 2020 @ 18:11
By

OFW puwede, balikbayan bawal sa ‘Pinas – DOLE

Sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na ang mga OFW mula sa United Kingdom (UK) at iba pang bansa na mayroon nang kaso ng bagong COVID-19 strain ay maaaring pumasok sa Pilipinas.

Ani Labor Secretary Silvestre Bello III, nagdesisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na payagan ang mga manggagawang Pilipino na pumasok sa bansa basta’t sasailalim ang mga ito sa mandatory 14-day quarantine.

Nilinaw naman ni Bello na ang mga OFW lamang ang hindi kasali sa travel restriction pero ang mga kaanak ng mga ito at iba pang balikbayan ay sakop ng ban.

“All balikbayan, if not OFW they are not covered by the exemption. So they are covered by the restriction by the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases,” anang DOLE chief.

Iniutos ng gobyerno ang pagbabawal sa pagpasok ng mga manlalakbay mula sa UK at iba pang mga bansa kabilang na ang Denmark, Ireland, Japan, Australia, Israel, Netherlands, China, Hong Kong, Macao, Switzerland, France, Germany, Iceland, Italy, Lebanon, Singapore, Sweden, South Korea, South Africa, Canada at Spain

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?