27

Dec 15, 2020 @ 16:39
By

OFW naturukan na ng China COVID vaccine

Sobrang saya ang naramdaman ng mga frontliner sa United Arab Emirates dahil sa wakas ay mayroon na silang COVID-19 vaccine.

Isa sa mga naunang mabakunahan ng Sinopharm vaccine mula China ay si Agnes Marelid, isang Pinay na kasama ang pamilya para maturukan.

“Kahapon po ang feeling ko parang fiesta dun sa clinic kasi lahat masaya. Yung mga nagpapabakuna at mga frontliners mismo. They’re so happy about it,” lahad ni Marelid sa TeleRadyo.

Madami rin aniyang Pinoy sa UAE na nag-volunteer para mabakunahan na laban sa COVID-19.

Sa ngayon ay wala itong nararamdamang side effect na dulot ng bakuna.

Ang UAE at Bahrain ang kauna-unahang bansa na nag-apruba para sa Sinopharm vaccine, kahit ayon sa mga researcher ay kulang pa ang datos ukol sa naturang bakuna.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?