20

Jan 16, 2021 @ 20:19
By

OFW nanganak sa banyo ng NAIA

Sa banyo sa departure lobby ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 dinatnan ng panganganak ang isang OFW kahapon.

Ayon kay Media Affairs Division Head Jess Martinez, nakarinig ng iyak ng sanggol mula sa isang cubicle ng banyo si building attendant Aileen Perion kaya tinawag niya ang airport police at NAIA medical team bandang alas-10:45 ng umaga.

Kinilala ang OFW na si Faibza Damao, na pasakay na sana ng Philippine Airlines flight patungong General Santos City matapos ang 14 araw niyang pagkaka-quarantine.

Dumating si Damao sa NAIA mula Saudi Arabia halos dalawang linggo na ang nakalipas.

Dinala na si Damao at kanyang sanggol sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital sa Maynila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?