Patay sa coronavirus ang babaeng OFW na umuwi sa lalawigan ng Bohol.
Ayon sa ulat, namatay ang 43-anyos na OFW sa Governor Celestino Gallares Memorial Hospital sa Tagbilaran City kung saan siya na-confine dahil sa virus.
Noong Lunes umabot sa kabuuang 928 ang kaso ng COVID-19 sa Bohol, kabilang ang 19 na nasawi at 844 na nakarekober.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?