18,536

Jan 11, 2020 @ 22:17
By

OFW na pinatay sa Kuwait posibleng ginahasa, ilang lamanloob nawawala

Lumabas sa inisyal na resulta ng isinagawang awtopsiya ng National Bureau of Investigation (NBI) sa mga labi ng OFW na si Jeanelyn Villavende na posibleng ni-rape ito.

Si Villavende ang domestic helper sa Kuwait na pinatay umano sa bugbog ng kanyang among babae noong nakaraang buwan.

Ayon kay NBI medico-legal officer Dr. Ricardo Rodaje sa PNA report, kumuha sila ng samples mula sa biktima para makumpirma ang seksuwal na pang-aabuso rito.

Isasailalim ito sa mga laboratory test.

Nadiskubre rin na maraming sugat sa katawan si Villavende na karamihan ay sa kanyang likuran.

Nawawala rin ang ilang lamanloob niya kabilang ang utak at ang natira lang ay ang kanyang atay, spleen, kidneys at baga.

Sa lalong madaling panahon ay ilalabas umano nila ang final results ng awtopsiya.

Ayon sa ama ng biktimang si Abelardo Villavende, batay sa ginawang awtopsiya ng Kuwaiti authorities, namatay dahil sa heart at lungs failure ang kanyang anak matapos ang matinding pagbugbog.

Ikukumpara ito sa final autopsy results ng NBI na siyang magpapatibay sa kasong isasampa laban sa mga employer ng Pinay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?