35

By

OFW na pinainom ng asido sa Saudi, bumuti na ang kondisyon

Sharing is caring!

Nagawa nang maibahagi ni Agnes Mancilla kay Philippine Consulate General Edgar Badajos ang mga naranasang pang-aabuso sa kamay ng among Saudi national.

Bumuti na ang kondisyon ni Mancilla sa King Fahd Central Hospital at ito ang iniulat ni Badajos sa Department of Foreign Affairs ngayong umaga.

Sa kuwento ni Mancilla, taong 2016 nang manilbihan siya sa amo sa Jeddah at aniya nagsimula ang pang-aabuso nang lumipat sila sa Jizan.

Sinabi nito na tanging kape lang ang palaging laman ng kanyang tiyan ng mahigit isang buwan at ang kanyang trabaho ay nagsisimula ng alas-singko ng umaga at nagtatapos ng alas-dos ng umaga kinabukasan.

Aniya, pinainom siya ng amo ng liquid bleach nang hindi nito nagustuhan ang itinimpla niyang tsaa.

Dagdag pa nito, ang napagkamalang paso sa kanyang likuran ay mga kagat ng kanyang amo.

Isinugod sa ospital si Mancilla ng mga kapwa Filipino nang malaman ang ginawa sa kanya ng kanyang amo.

Samantala, nakatakda ring makipagkita sa awtoridad si Badajos para tiyakin na makakasuhan ang amo nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?