14

Nov 5, 2020 @ 14:23
By

OFW na nawalan ng trabaho, tatanggap ng P10K

Makakatanggap ng tig-P10,000 ang mga OFW na ni-repatriate dahil sa coronavirus pandemic pagdating sa Pilipinas.

Inilabas ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang utos noong Miyerkoles.

Kabuuang 237,363 OFW ang na-repatriate na simula ng COVID-19 outbreak, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Inaasahan ng DFA na mahigit 107,000 Pilipino pa ang darating pa sa Pilipinas sa katapusan ng taon.

Sa kasalukuyan ay kailangan pa ng mga OFW na mag-apply para sa cash assistance at maghintay na maproseso ang kanilang aplikasyon at maaprubahan.

“Why do we have to wait for the OFWs to apply? We know they were displaced because of COVID-19 and therefore they deserve the financial assistance,” pahayag ni Bello sa isang online news briefing

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?