dead-body
By

OFW na natagpuan sa poso negro sa South Korea, tukoy na

Sharing is caring!

INANUNSIYO ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nakilala na ang overseas Filipino worker (OFW) na ang bangkay ay nadiskubre sa isang poso negro sa South Korea.

Sinabi ni Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano na hindi muna nila ibibigay ang pangalan ng OFW para hindi maapektuhan ang isinasagawang imbestigasyon.

Aniya, nakilala ang biktima sa pamamagitan ng DNA samples na kinuha mula sa kanyang mga kaanak.

Unang napaulat na nawawala ang naturang OFW noong nakaraang buwan.

Dumating ito sa South Korea noong 2016 at nag-trabaho bilang factory worker.

Nabatid na isang Filipino rin ang pangunahing suspek sa kaso at hinahanap na ito ng awtoridad.

Ayon pa kay Cayetano inaasikaso na ang lahat ng mga dokumento para sa pag-uwi sa Pilipinas sa mga labi ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?