88

Feb 17, 2021 @ 21:20
By

OFW na nabakunahan na kontra COVID, nagpositibo sa Cebu

Nagpositibo sa coronavirus disease ang isang OFW na naturukan na ng coronavirus vaccine sa United Arab Emirates (UAE) bago umuwi sa Mandaue City noong Enero 5, 2021.

Ayon sa ulat, sumailalim sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test ang OFW bilang requirements sa pagbabalik niya sa UAE.

Lumabas sa COVID-19 test na positibo siya sa virus noong Enero 9, 2021.

Tumanggap ang OFW ng unang dose ng COVID-19 vaccine noong Disyembre 12, 2020 habang ikalawang dose noong Enero 2, 2021.

Bukod doon, lima sa pitong kapamilya ng OFW kabilang ang 2-anyos na sanggol ay na-test ding positibo sa virus.

Asymptomatic ang OFW ngunit ang mga kapamilya niya ay may moderate symptoms ng virus tulad ng ubo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?