1,953

By

OFW na misis nilaglag ang mag-ama na ni-rape ang 2 menor-de-edad na anak, kapatid

Arestado kahapon, Setyembre 16, ang mag-ama na umano’y ginahasa ang dalawang menor-de-edad na anak at kapatid na babae sa Pozorrubio, Pangasinan.

Kinilala ni Pozorrubio Police Station (PPS) chief-of-police P/Maj. Rommel Bagsic ang mga suspek na sina Benjamin, 42, at anak nitong si Jonal, 18, pawang residente ng Barangay Balacad ng nasabing bayan.

Sa telephone interview ng Abante, kinilala ni Bagsic ang mga biktima na sina Jovy, 16, at Jody, 10 (hindi tunay na pangalan).

Sa salaysay ni alyas “Alicia,” ina ng mga biktima na dumating galing ibang bansa, ginahasa ni Benjamin si Jovy samantalang ni-rape ni Jonal si Jody. Tumawag aniya sa kanya si Jovy upang ipaalam na hindi na siya umuuwi sa kanilang bahay, maging si Jody, at naninirahan na sila sa isang kamag-anak matapos silang gahasain ng mga suspek.

Sinabi ni Alicia, ayon sa sumbong ng anak, matagal na palang pinagsasamantalahan ng mga suspek ang dalawang batang babae habang siya ay nagtratrabaho sa abroad.

Sa kanyang pag-uwi, agad nitong sinumbong sa PPS ang krimen kaya pinosasan ang mag-amang salarin.

Inamin ni Benjamin ang panggagahasa kay Jovy ngunit tinanggi naman ni Jonal ang akusasyon laban sa kanya.

Kasong rape ang inihain laban sa mag-ama na kasalukuyang nakapiit ngayon sa PPS detention cell.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?