30

Jul 19, 2021 @ 21:53
By

OFW na may Delta variant hindi agad-agad umuwi sa Taguig

Nilinaw ng city government na hindi nagtungo sa Taguig ang OFW na nagpositibo sa Delta variant hanggang hindi ito ganap na nakakarekober sa isang isolation facility sa labas ng lungsod.

Sa Facebook post sinabi ng Taguig government, na nalaman noon pang Mayo ang pagkakaroon ng Delta variant ng OFW at isang isolated case.

Dumaan din umano ito sa quarantine period nang dumating sa bansa at pinakawalan lamang nang ganap na makarekober sa sakit.

Ibig sabihin umano, hindi nakaapak sa Taguig ang OFW habang infected pa ng virus.

Nitong Lunes ay nilinaw din ng Department of Health na ang kaso ng Delta variant sa Taguig ay hindi local case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?