13

Oct 19, 2020 @ 18:10
By

OFW mula sa low-risk area ‘di na kailangan ng COVID-19 test

Hindi na oobligahin ang mga OFW na mula sa mga bansa na may mababa o katamtamang dami ng coronavirus case na sumailalim sa COVID-19 test pagdating sa Pilipinas.

Sa virtual press briefing nitong Lunes, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, na papayagan na ang mga asymptomatic OFW na umuwi sa kani-kanilang lalawigan pero kailangang sumunod ang mga ito sa requirement ng local government para makapasok sa kanilang probinsya.

Batay sa “Omnibus Guidelines for Prevention, Detection, Isolation, Treatment and Reintegration Strategies for COVID-19” na inilabas nitong buwan, iyon lang may sintomas ng virus ang dadaan sa quarantine at RT-PCR testing.

Pero ang mga OFW na mula sa mga lugar na may mataas na coronavirus infections, asymptomatic man o hindi, ay iko-COVID test at sasailalim sa isolation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?