334

Aug 27, 2019 @ 16:53
By

OFW minartilyo at ginahasa sa Riyadh

Pinukpok ng kanyang employer ng martilyo sa ulo ang isang Filipina domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia.

Kinilala ang biktima sa alyas Maria, 30-anyos, na dumating sa Riyadh noong Marso 15, 2019.

Bukod sa pagpalo ng martilyo sa kanya ay ginahasa rin umano ang biktima ng anak ng kanyang amo na Arabo.

Si Sulaiman Abdullah Mohammed Alea ang employer umano ng biktima, ayon sa DZRH report.

Humingi naman ng tulong ang biktima kay Pangulong Rodrigo Duterte para makauwi ng Pilipinas at makapagpagamot. Nanghihina umano ang katawan, maga ang leeg at mukha ng biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?