46

Dec 2, 2021 @ 16:25
By

OFW libre sa mga quarantine hotel, RT-PCR test

Kinumpirma ni Bureau of Quarantine Deputy Director Dr. Roberto Salvador Jr., na libre ang quarantine hotels at RT-PCR test para sa mga OFW na gustong makauwi sa Pilipinas.

Sinabi ni Savador sa DZBB, kinakailangan lamang magrehistro ng mga ito sa One Health Pass upang makalibre.

Aniya, ang mga OFW na ninanais makauwi mula sa mga red list at yellow list na bansa ay dapat makipag-ugnayan sa embassy.

Ang mga uuwi na fully vaccinated at may RT-PCR test sa loob ng 72 hours ay tatlong araw lamang mamamalagi sa quarantine hotel.

Dagdag pa nito, ang mga walang RT-PCR test ay kailangan sumailalim sa quarantine sa loob ng limang araw habang ang mga hindi pa fully vaccinated ay mananatili ng pitong araw.

Samantala, sinabi ni Salvador na wala pang nade-detect na Omicron variant sa bansa.

“Sa ngayon ay wala pa tayong nade-detect na Omicron variant sa bansa, pero tandaan lamang natin na wala tayong dapat ikatakot dahil itong Omicron ay katulad lamang ng COVID-19 na ang importante lamang ay sundin ang health protocols,” pahayag nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?