149
OFW Handbook bill, pirmado na ni Duterte
By

OFW Handbook bill, pirmado na ni Duterte

Ganap nang batas ang Handbook for Overseas Filipino Workers bill matapos itong lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang Republic Act No. 11227 o ang Handbook for OFWs Act of 2018 ay pinirmahan ng Pangulo noong Pebrero 22 at inilabas ng Palasyo nitong araw ng Sabado.

Sa ilalim ng bagong batas, inaatasan ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na bumuo, maglimbag, magpalaganap at mag-update sa handbook na maglalaman ng mga karapatan at responsibilidad ng OFWs.

Layon ng handbook na palakasin ang mga OFW at ipaalam ang kanilang karapatan at responsibilidad at ipaalam sa mga ito ang sitwasyon ng pamumuhay sa bansang pupuntahan.

Ang handbook ay English subalit mayroong translation sa mga lokal na dayalekto at ipapamigay ito nang libre sa lahat ng mga OFW, maging ito man ay land-based o sea-based.

Inaatasan sa ilalim ng batas ang Department of Labor and Employment, POEA at Department of Foreign Affairs na i-promote ang kapakanan at proteksiyonan ang karapatan ng mga OFW.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?