87

Oct 25, 2020 @ 17:01
By

OFW ginatasan ng P20K para sa mabilis na COVID result

Sinisingil diumano ng hanggang P20,000 ang mga overseas Filipino worker (OFW) na na-stranded sa airport sa bansa para mabilis makuha ang resulta ng coronavirus test.

Ayon sa report, isang non-governmental organization ang pinayagang magtayo ng testing booth sa ilang airport sa bansa at maraming mga OFW at mga pasahero ang nagrereklamo dahil sa napakataas na singil sa COVID-19 test.

Nabatid na dinadala umano ang mga OFW na nasabing NGO kung saan sila puwedeng sasailalim sa coronavirus test. Hindi naman pinangalanan ang naturang pribadong organisasyon.

Pagkatapos masuri, aalukin ang mga OFW at pasahero para mabilis ang paglabas ng resulta kapalit ng malaking halaga.

Kung gustong makakuha ang resulta sa loob ng 24 oras, kailangan nilang magbagayd ng P7,000. Kung kalahating araw, P12,000 at P20,000 kapag anim na oras.

Dahil sa reklamo ng mga OFW, napilitan ang Philippine Red Cross (PRC) na maglagay ng testing booth sa mga paliparan sa bansa.

Matatandaan na natigil ang pagsasagawa ng PRC nag COVID-test dahil sa pagkabigo ng PhiHealth na bayaran ang kanilang pagkakautang na umabot na sa halos P1 bilyon.

Sabi naman ng PRC, babayaran nila ang kanilang obligasyon sa PRC sa araw ng Lunes.

Magpapatuloy lang sa COVID-19 test ang PRC kapag nagbayad na ng PhilHealth ang malaking pagkakautang sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?