57

By

OFW E-Card isinulong ng OWWA

Sharing is caring!

Sa hangad na mapaghusay ang serbisyo ng gobyerno, inilunsad ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang OFW E-Card.

“The OWWA OFW E-Card is a response to the directive of President Rodrigo Duterte to further serve our modern heroes–the OFWs,” saad ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III.

Paliwanag ng DOLE, ang OWWA OFW E-Card ang magsisilbing patunay ng aktibong OWWA membership ng isang OFW.

Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng mas mabilis na access sa serbisyo, scholarship, training program at social benefit mula sa OWWA.

Ayon kay OWWA Administrator Hans Leo Cacdac, mapapaikli kasi ang mga documentary requirement sa paggamit ng OFW E-Card.

Magsisilbi rin itong valid government ID.

Libre unanong ipamamahagi ang OFW E-Card sa lahat ng mga balik manggagawang OFW na aktibong miyembro ng OWWA, may Overseas Employment Certificate o Exemption Number at valid passport.

“This is just Phase 1 and we expect to cover around 250,000 Balik-Manggagawa,” dagdag ni Bello na nagsisilbi ring OWWA Board of Trustees Chair.

Kasabay nito, tiniyak ng DOLE na may sapat na security features ang OFW E-Card gaya ng naiibang OFW membership number at QR code para maiwasan ang data breach.

Para sa mga miyembro ng OWWA, maari silang mag-aplay ng OFW E-Card sa pamamagitan ng pagbisita sa OWWA website na www.owwa.gov.ph.

Ang card naman ay maari nilang makuha kapag sila ay nagbalik-bansa na o kaya ay sa pamamagitan ng miyembro ng kanilang pamilya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?