164

May 3, 2018 @ 12:47
By

OFW Department, pinaaapura sa Kongreso

Umapela si Bagong Henerasyon Party-list Rep. Bernadette Herrera-Dy sa mga kapwa kongresista na madaliin ang pag-apruba sa panukalang batas para sa pagtatatag ng hiwalay na kagawaran para sa overseas Filipino workers (OFWs).

Sa gitna ito ng kaliwa’t kanang problema sa seguridad ng mga OFW sa iba’t ibang bansa lalo na sa Middle East.

Ayon kay Herrera-Dy, may tatlong panukala para sa pagbuo ng OFW Department na nakabinbin ngayon sa komite ng Kamara.

“Given this latest development in Saudi Arabia, the diplomatic debacle of our country with Kuwait, and the hundreds of pending cases of abuse and criminal cases involving overseas Filipinos, Congress must expedite action,” ani Herrera-Dy.

Umaasa ang kongresista na magagawa ng Kamara na pag-isahin na ang tatlong bills pagbalik ng sesyon ngayong Mayo.

Kung tatapatan aniya ito ng Senado, tiwala si Herrera-Dy na kaya nilang isabatas ang panukala para sa OFW Department sa loob ng kasalukuyang taon.

“It is probable that the new department can be created within this year. It is now clear as day the OFW concerns must be separated from many concerns of the Department of Foreign Affairs. The overlaps of the DFA with the Department of Labor and Employment should not be allowed to fester any longer. The creation of an OFW Department is certainly the solution,” sabi ng mambabatas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?