89

By

OFW, 2 pa huli sa P3.4M shabu sa Taguig

Arestado ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong katao, kabilang ang isang overseas Filipino workers (OFW), matapos na makumpiskahan ng may kalahating kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P3.4M sa isang buy-bust operation sa Western Bicutan, Taguig City, Biyernes ng madaling-araw.

Kinilala ni PDEA Director Gen. Aaron Aquino ang mga suspek na sina Zainab Pamansag, 27, overseas Filipino workers (OFW), ng Victoria Street, Intramuros, Manila; Joel Undong, 30, tricycle driver, ng Zamboanga St., Maharlika, Taguig City, at Aiza Abdul, 29, ng 10 Basilan St., Salam Mosque Compound, Culiat, Quezon City.

Batay sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling-araw (September 6) nang maaresto ang mga suspek sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng PDEA RO-NCR, sa pangunguna ni IA V Mary Lyd M. Arguelles, sa FTI Terminal Arca South, Western Bicutan, Taguig City.

Nakumpiska ng mga awtoridad sa mga suspek ang 10 pakete ng shabu, na tinatayang may timbang na 500 gramo at standard drug value na P3.4 milyon.

Nakapiit na ang mga suspek sa PDEA headquarters at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 200.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?