22

By

Oftana Player of the Week

Patuloy ang pamamayagpag ni Calvin Oftana nang tanghaling Chooks-to-Go Collegiate Press Corps NCAA Player of the Week para sa Oktubre 5-12.

Malaking bagay ang ginawang career-high 29 points, 9 rebounds, 5 assists at 2 steals ng Red Lion veteran guard upang panatilihing malinis ang kartada ng San Beda Red Lions sa 17-0.

“Simple lang naman sinabi ko sa players noong halftime – mahiya naman sila sa sarili nila,” ani coach Boyet Fernandez. “They’ve been playing well for the first 16 [games], then [why] be different in the 17th?”

Kasalukuyang front runner sa MVP race si Oftana na may 14.6 points, 8.0 rebounds, 2.6 assists at 1.2 blocks sa men’s basketball tournament second round eliminations.

Dinaig niya sa weekly citation sina James Canlas at Noah Lugo ng Mapua Cardinals, Allyn Bulanadi ng San Sebastian Stags at Justin Gutang ng Benilde Blazers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?