62

Nov 11, 2019 @ 18:42
By

Oftana, MVP ng NCAA 95

Hinirang na Most Valuable Player (MVP) ng NCAA Season 95 men’s basketball tournament si Calvin Oftana matapos pangunahan ang San Beda sa 18-game elimination sweep.

Ang 6-foot-4 forward mula Dumaguete City ay may player average value (PAV) na 51.56 mula sa average na 15.6 points, 8.2 rebounds, 2.7 assists at 1.2 blocks.

Kabilang naman sa Mythical 5 sina Evan Nelle (45.39) at James Canlas-Kwekuteye (45.33) mula sa San Beda habang sinundan naman ito ni Allyn Bulanadi (45.28) ng San Sebastian na pinarangalan namang tournament leading scorer at Jaycee Marcelino (43.94) mula sa Lyceum.

Sungkit naman ni Justin Araña ng Arellano University ang Rookie of the Year habang Most Improved Player si former UE guard na si Fran Yu, na naglalaro para sa Letran.

Kabilang rin si Oftana sa All Defensive Team kasama sina Ben Adamos mula Perpetual, JP Maguilano ng EAC at JM Calma mula sa San Sebastian.

Samantala, nakuha naman ni San Beda Cameroonian center Donald Tankoua ang titulong Best Foreign Player habang si Mike Nzeusseu ng Lyceum ay nakuha ang Best Defensive Foreign Player title.

Gaganapin ang awarding ceremony pagkatapos ng Game 2 finals ng San Beda kontra Letran sa Biyernes sa MOA Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?