25

Nov 24, 2021 @ 23:35

Oftana graduate na sa San Beda

May diploma na si Calvin Oftana bilang graduate ng San Beda University.

Inanunsyo ng NLEX forward ang milestone sa kanyang buhay sa Instagram kung saan binida niya ang kanyang graduation picture.

“For the guidance and protection, I say thank you, My G! You have done it, over and over again. Appreciate you for all the things You’ve done to me,” lahad ni Oftana.

“Thank you San Beda University! Ut In Omnibus Glorificetor Deus! Animo San Beda! Go San Beda Fight!”

Business Administration major in Marketing Management ang tinapos ng PBA rookie.

Bago tumungtong sa PBA, naghari muna ang 25-year old baller sa NCAA, tatlong kampeonato ang sinungkit at naging MVP sa Season 95.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?