17
abante_tnt-prince-harry-meghan
By

Official wedding photo nina Prince Harry, Meghan ‘boldest, intimate’

Sharing is caring!

Lumabas na ang official wedding photographs ng newlyweds na Duke and Duchess of Sussex na sina Prince Harry and Meghan Markle.

Kinunan sila ni Alexi Lubomirski, ang protege ng pamosong photographer na si Mario Testino na paborito ng ina ni Harry na si Princess Diana.

Ayon kay Testino, ito na raw ang “boldest and most intimate royal portraits ever released.”

Nag-release ng tatlong photographs ang newlyweds para mai-share nila sa milyon-milyon na tao sa buong mundo na napanood ang kanilang royal wedding sa St. George’s Chapel in Windor Castle noong nakaraang May 19.

Ang pinaka-striking image ay ang nakaupo ang tumatawang Meghan sa gitna ng mga legs ni Prince Harry habang nakangiti ito at tinitingnan ang kanyag bride.

Ayon pa sa Kensington Palace spokesperson: “The Duke and Duchess of Sussex would like to thank everyone who took part in the celebrations of their wedding on Saturday. They feel so lucky to have been able to share their day with all those gathered in Windsor and also all those who watched the wedding on television across the UK, Commonwealth, and around the world.

“Their Royal Highnesses are delighted with these official portraits taken by Alexi Lubomirski and are happy to be able to share them today. They would also like to say thank you for all of the generous messages of support they have received.”

Dadalhin nga raw ng Duchess of Sussex ang royal family sa panibagong direction, declaring she is ‘proud to be a woman and a feminist’.

At ang US-influenced and multi-cultural wedding ceremony nila with the gospel choir and Chicago preacher’s sermon was “something conservative royals had never experienced before.”

Kinunan ang wedding photos sa Frogmore House in Windsor.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?