82
Official trip ng mga ahensya ng gobyerno patungong Canada, pinagbawal ni Duterte
May 26, 2019 @ 14:58
By

Official trip ng mga ahensya ng gobyerno patungong Canada, pinagbawal ni Duterte

Pinagbawal ni Pangulong Rodrigo Duterte sa lahat ng ahensya ng pamahalaan na magkaroon ng official trip patungo sa Canada hangga’t hindi pa naibabalik ang mga basura na ilegal na itinapon ng mga ito sa Pilipinas.

Kinumpirma ng Palasyo ang naturang pagbabawal ng Pangulo sa mga ahensya ng gobyerno.

“The aforesaid memo likewise directed heads of government agencies to reduce official interaction with representatives of the Canadian government,” saad ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Ani Panelo, “[The directives] are consistent with our stance on diminished diplomatic relations with Canada” dahil sa kabiguan ng mga ito na bawiin ang mga basura.

Kamakailan ay sinabi ng pamahalaan ng Canada na gumagawa na sila ng hakbang ipang mabawi ang mga basura. Anila, inaasahang matatapos ang proseso sa katapusan ng Hunyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?