88

Jun 23, 2022 @ 14:31
By

Official poster ng Maid in Malacañang inilantad

Inilantad na sa publiko ni direk Darryl Yap ang official poster ng pelikulang ‘Maid in Malacañang’ ngayong Huwebes.

Ang poster ay hango sa portrait ng pamilya Marcos na nilikha ni Ralph Wolfe Cowen. Sa mismong poster, ang mga mukha ng Marcos family na nasa portrait ay pinalitan ng mukha ng mga gaganap na artista sa pelikula.

Proud namang finlex ni Yap ang poster ng pelikula, na una niyang proyekto ngayong 2022, sa ilalim ng VIVA Films.

“Una sa lahat, ako ay nagpapasalamat sa king Manang, Senator Imee R. Marcos— sa aking mga bosses sa Viva Entertainment, VIVA Films at kasamahan sa VinCentiments para sa natatanging proyektong ito,” saad ni Yap sa kanyang post.

“Sir Buboy [Cesar Montano], Cristine Reyes, Ruffa Gutierrez, Karla Estrada, Diego Loyzaga, Ella Cruz, Jacqueline Elizabeth Freeman, Orig Beverly Salviejo, sa pagtanggap sa mga roles na alam naman nating napaka-kontrobersyal,” dugtong pa ni Yap. (MJD)

https://www.facebook.com/SAWAKASBRIEFS/posts/pfbid02B85dY5TTeG2j8G7AgAPzju1ZDty19fx2LEN9fUCUbDrGCB1x16zZDAYhRiPp2Rmvl

Erik Santos bigong maging dyowa si Angeline Quinto

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?