422

By

‘Offer’ ni Sen. Trillanes aaralin na ng korte

Sharing is caring!

Hawak na ng Makati City Regional Trial Court Branch 148 ang formal offer of evidence na isinumite ni Senator Antonio Trillanes IV.

Ayon sa Clerk of Court Atty. Ma. Rhodora Peralta ang formal offer of evidence mula sa kampo ng senador ay natanggap nila noong nakaraang Martes, ang itinakdang araw ni Judge Andres Soriano.

Sinabi ni Peralta depende na sa hukom kung tatanggapin ang mga ebidensiya at testimoniya na iprinisinta ng magkabilang panig sa pagdinig noong Oktubre 5.

Dagdag pa nito, pag-aaralan din muna ng hukom ang mga isinumiteng ebidensiya maging ang mga testimoniya ng mga testigo.

Ibabase sa mga ebidensiya ang magiging desisyon ng korte sa mosyon ng Department of Justice (DOJ) na maglabas ng alias warrant of arrest at hold departure order laban sa senador.

Pagdidiin pa ni Peralta na hindi nila minamadali ang pag-aaral sa mga ebidensiya at testimoniya.

Una nang sinabi ni Soriano na hindi pa niya masasabi kung kailan siya magpapalabas ng desisyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?