9

Oct 15, 2020 @ 14:59
By

‘Ofel’ nasa WPS na, Signal No. 1 inalis

Nasa West Philippine Sea (WPS) na ang Tropical Depression Ofel kasabay noon ang pag-aalis ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) sa Signal No. 1 sa mga apektadong lugar nitong Huwebes.

“Tropical Cyclone Wind Signal #1 is hereby lifted for all localities. However, occasional gusts may still be experienced over Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, and Palawan (including Calamian and Kalayaan Islands) due to “Ofel” and the Southwest Monsoon,” sabi ng Pagasa sa kanilang 8:00 AM weather bulletin.

Huling naitala ang sentro ni “Ofel” sa west-northwest ng Calapan City, Oriental Mindoro.

Dagdag ng Pagasa, patuloy na gagalaw si “Ofel” pa-west o west-northwest sa WPS.

Mataas ang tsansa na humina bilang low pressure ang bagyo sa loob ng 12 hanggang 24 oras.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?