16

Jan 15, 2021 @ 22:36
By

Odom magboboksing

Babalik na sa eksena ang two-time National Basketball Association (NBA) champion na si Lamar Odom, pero hindi na sa hard court kundi sa boxing ring.

Pumirma ng deal si Odom sa Celebrity Boxing (CB) at nakatakdang makikipagbugbugan sa darating na June 12 sa Showboat Casino sa Atlantic City, New Jersey.

Pero ihahanap pa ng CB ng makakatapat ang 41-year-old, 6-foot-10 American at nakadalawang titulo sa NBA sa los Angeles Lakers noong 2009 at 2010.

Marami ng atleta mula sa iba’t ibang sports sa ngayon ang sumusubok sa boxing para sa entertainment at kita nila rito. (Sarah Jireh Asido)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?