67

By ,

Odom iniligtas ang Mighty Sports

Naitakas ng Mighty Sports ang 98-97 panalo kontra Magnolia Hotshots sa kanilang tune-up game Martes sa Ronac Gym sa San Juan City pero nag-aalala pa rin si coach Charles Tiu tatlong araw bago ang 30th Dubai International Basketball Championship.

Bagama’t mas magandang laro ang pinakita ng tropa kumpara sa 106-99 na panalo nito kontra Blackwater, sinabi ni Tiu na kailangan nilang mag-double time lalo na sa kanilang opensa at depensa.

“Team is slowly improving but I would not consider us ready yet. We need to play real smart defensively and also need to improve our execution,” sabi ni Tiu

Magandang balita naman na nakakasunod na sa mga laro at tune-up si dating LA Lakers player Lamar Odom.

“Lamar looks better every day and our locals also look okay,” dagdag nito.

Si 6-foot-10 na Odom ang nagsalba sa tropa bago pa nito tuluyang mapadapa ng Hotshots.

Umaasa rin si team owner Alex Wongchungking na madadala ng tropa ang laro nila sa mga tune-up game nila lalo ang dalawang import nito na sina Justin Brownlee at Randolf Morris.

“I’m hoping they can sustain their good form and help team advance to the semis,” ani Wongchungking.

Sa huling pagsabak ng tropa noong 2017 dalawang panalo lang narehistro ng tropa at umaasa sila na maiimprove nila ito ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?