151

By

Odicta drug syndicate winarningan ni Duterte

Sharing is caring!

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga galamay ng Odicta drug syndicate na itigil ang kanilang illegal na gawain kung ayaw ng mga ito na sumunod sa kanilang lider.

Sa kanyang talumpati sa harap ng mga miyembro ng Vice-Mayor’s League of the Philippines sa Panglao, Bohol, sinabi ng Pangulo na may impormasyon siyang naging aktibo muli ang grupo ng Odicta sa Visayas region.

Sinabi ng Pangulo na hanggat nasa puwesto ito ay hindi niya hahayaang mamayagpag ang sindikato ng illegal na droga.

“Well, Visayas seems to be a little bit…malikot…lalo na yung…There’s a resurgence dito sa–I heard yung mga Odicta are at it again. So I’m warning them,” anang Pangulo.

Matatandaang sa unang buwan ng anti-drug campaign ng Pangulo ay ang mag-asawang Melvin Odicta Sr. at Meriam na umano’y utak ng sindikato ang casualty sa anti-drug war ng Duterte administration.

Inabangan ang mag-asawang Odicta sa Caticlan jetty port pagbaba ng barko na nanggaling sa Batangas port at pinagbabaril ang mga ito ng dalawang armadong lalaki. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?