26

Nov 23, 2021 @ 13:57
By

ODA Effectiveness Act umusad sa Kamara

Inaprubahan ng Kamara de Representantes sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala na naglalayong tiyakin na tama ang pagkakagastusan ng utang at grant sa ilalim ng Official Development Assistance (ODA).

Ang panukalang ODA Effectiveness Act (House Bill 10322), na akda ni Albay Rep. Joey Salceda ay nakatanggap ng 166 boto.

“ODAs are useful when they work for the people. When the terms are fair, the spending is efficient, and the process is accountable and transparent, ODAs are good. This measure aims to keep them good,” sabi ni Salceda.

Sa ilalim ng panukala, kailangang magsagawa ng economic impact evaluation at konsultasyon sa mga benepisyaryo bago gamitin ang pondo mula sa ODA.

Itatayo rin ang Congressional Oversight Committee na siyang magbabantay at titiyak na ipinatutupad nang tama ang panukala at bibigyan ng kapangyarihan na repasuhin ang mga kasunduan na pinasok ng gobyerno sa pangungutang nito.

Ang oversight committee ay bibigyan din ng kapangyarihan upang magsagawa ng impact study sa mga ODA-funded project. (Billy Begas)

““`ZW3212WQJulia Barretto naghubad sa Mexico?

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?