17

Apr 23, 2021 @ 17:47
By

OCTA Research: MECQ ipako muna sa Metro Manila

Nanawagan ang OCTA Research group na huwag munang luwagan ang quarantine status sa Metro Manila kahit nakikita na ang pagbaba ng COVID-19 case sa rehiyon.

Ayon kay OCTA Research fellow Fr. Nicanor Austriaco, dapay ay siguruhing manatili sa hindi hihigit sa 1 ang reproduction number ng COVID-19 sa NCR.

“We urge the national government, as one possible benchmark for changing quarantine levels, is not to exit MECQ (modified enhanced community quarantine) until at least the R is less than 0.9 in a sustained manner,” saad ni Austriaco.

Aniya pa, hindi lahat ng siyudad sa Metro Manila ay nakararanas ng pagbaba ng kaso kaya may posibilidad pa rin na magkaroon ng outbreak at muling kumalat ang virus.

“We are looking for a consistent pattern of decrease throughout all the 17 LGUs for a significant period of time before we know we have successfully passed through the surge,” aniya pa.

Hinimok din ni Prof. Ranjit Rye ang gobyerno na bilisan ang pagkuha ng bakuna para makatulong sa pagkontrol ng pagsirit ng COVID-19.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?