28

Nov 17, 2021 @ 18:31
By

OCTA: ‘Pinas nakalagpas na sa krisis ng COVID

Naniniwala ang OCTA Research na nalagpasan na ng Pilipinas ang krisis na idinulot ng COVID-19 pandemic.

Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA Research na naabot na ng bansa ang pinakamababang record ng COVID case simula noong December 28, 2021 at magandang balita ito ng tuloy-tuloy nang pagbaba ng bilang ng kaso.

Nalagpasan na aniya ng bansa ang krisis at kung magtutuloy-tuloy ang pagganda ng sitwasyon ay baka maging endemic na lamang ang COVID-19.

“Nalagpasan na natin at ang inaasahan ko hindi na tayo babalik sa ganoon, kung baga, ‘yun na ‘yon. Baka maging endemic na, baka magkaroon ng plateauing, na mababa na. Minsan magkaka-outbreak, magkaka-spike pero puwede namang mag-localized lockdown para doon,” ani Dr. David.

Hindi aniya malayong makabalik na sa dating buhay ang mga Pilipino kung magpapatuloy ang pagsunod ng mga tao sa minimum basic health protocol at magpabakuna na ang lahat ng mga dapat mabakunahan.

“Baka ito na yun, ito na yung parang slowly mababalik na natin yung old way of life natin. Sa ngayon ang nakikita ko low risk na ang bansa, pero puwede pa tayong bumaba pa ng mas mababa, very low risk,” dagdag ni Dr. Guido.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?