15

May 22, 2021 @ 12:53
By

OCTA: Pagkatapos ng GCQ puwede pang magluwag

Maaaring magluwag ng bahagya sa mga paghihigpit sa National Capital Region (NCR) sa sandaling matapos ang umiiral na general community quarantine (GCQ) with heightened restrictions sa katapusan ng buwan.

Ito ang inihayag ni Professor Guido David ng OCTA Research kasunod ng patuloy na pagmomonitor sa sitwasyon ng COVID-19 sa Metro Manila at ilang kalapit lalawigan.

Ayon kay David, bagama’t puwedeng magluwag, hindi pa rin dapat maging kampante ang publiko dahil nananatili ang banta ng COVID-19 at ang mga variant na maaaring pagmulan muli ng COVID surge lalo na at hindi pa nababakunahan ang lahat ng mga tao.

“After GCQ with heightened restrictions, puwede sigurong magluwag pa tayo ng additional restrictions. Pero siyempre ayaw naman nating magluwag ng todo-todo, ayaw din nating maging kampante pa din yung mga kababayan natin dahil andiyan pa rin yung virus and andiyan pa rin yung variants , may threat pa ring mag-surge habang hindi pa tayo nakapagpabakuna ng maraming tao,” ani David.

Sa ngayon ayon kay David ay gumaganda na ang mga indikasyon sa NCR Plus bubble kaya mahalaga ang disiplina at pakikipagtulungan ng publiko sa gobyerno.

Ang tanging susi aniya para makaligtas sa peligro ng COVID ang publiko ay seryosong pagsunod sa basic health protocols.

“Nasa moderate risk na ngayon ang buong NCR. Bumaba na siya from high risk to moderate risk and yung mga hospital levels, 15 out of 17 LGUs nasa safe level na, ibig sabihin bumababa na yung cases sa hospitals . Lahat ng indications gumaganda,” dagdag ni David.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?