16

Jul 13, 2021 @ 19:31
By

OCTA: Kung gusto ng magandang Pasko pabakuna na!

Matutupad ang inaasam na makapagluwag sa Pasko kung magpapabakuna ang mayorya ng mga Pilipino.

Ito ang inihayag ni Professor Ranjit Rye ng OCTA Research sa Laging Handa press briefing sa harap ng patuloy na pagmonitor sa sitwasyon ng COVID pandemic sa bansa.

Sinabi ni Professor Rye na mayroong sapat na bakunang magagamit sa mayorya ng mga Pilipino kaya magpalista na at magpabakuna.

“Kung gusto talaga nating magbukas before Christmas nang todo-todo lalo na sa NCR Plus at gusto nating matulungan ang buong bansa, eh kailangan pumila na tayo at magpabakuna,” ani Professor Rye.

Hindi aniya sapat ang pag-iingat lamang at pagsunod sa basic health protocols, dapat ding magdesisyon na at pumila sa vaccination centers lalo na yaong A2 at A3 dahil sila ang mabilis kapitan ng COVID-19.

“Hindi sapat na nagsusuot ng face shield, face mask, social distancing at hand washing. Importante magdesisyon at pumila para magpabakuna,” dagdag ni Professor Rye.

Idinagdag ni Rye na kapag mas marami ang mababakunahan ay mas makikita ang pagbabagong inaasam para sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?