21

Sep 8, 2021 @ 9:38
By

OCTA: Granular lockdowns wa epek!

Wala na umanong epekto ang pagkakasa ng mga granular lockdown dahil tuluyan nang kumalat ang COVID-19 infection sa bansa ayon sa OCTA Research Group.

Ani Dr. Guido David, epektibo ang direktibang ito kung kakaunting lugar pa lang ang apektado ng pandemya.

“It might have been effective before kapag, if we have the pandemic, kunyari kasi concentrated on one barangay or few barangays,” sambit niya sa panayam ng 24 Oras.

Kaugnay nito, sinabi naman ng Department of Health Epidemiology na maaaring mapaliit ang kaso ng nasasapol ng virus kung paiigtingin ng mga lokal na pamahalaan ang contact tracing.

“We recommend to do active case finding and enhance contact tracing para mapabilis mahanap ang kaso, ma-isolate sila at kung kailangan ng referral sa ospital, ma-refer po sila,” ani Director Alethea De Guzman.

Nito lamang Martes nang ianunsyo ng Malacañang na muling isasailalim sa modified enhanced community quarantine ang Metro Manila hanggang Setyembre 15.

Una na nang ipinatupad ang general community quarantine (GCQ) ngayon sanang Miyerkoles, Setymebre 8, ngunit binawi rin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?