16

Jul 22, 2021 @ 17:08
By

OCTA: Contact tracing palakasin vs Delta variant

Dapat umanong paghandaan ng mga lokal na pamahalaan sa Pilipinas ang mas pinaigting na contact tracing dahil sa mga naitalang kaso ng Delta variant, ayon sa OCTA Research Group.

Sa pahayag ni Fr. Nicanor Austriaco ng OCTA nitong Huwebes, sinabi nito na dahil sa bilis ng transmission ng nasabing variant ay dapat paigtingin ang contact tracing.

“For LGUs, I cannot emphasize that the contact tracing will be intense,” pahayag ni Austriaco sa isang Palace briefing.

“They (contact tracers) will be more overwhelmed this time because of the large transmission and this is where we hope we cannot lose control: we have to prepare to increase mobility restrictions,” dagdag pa nito.

Mula ng makapasok ang nasabing variant sa bansa, pumalo na sa 23 ang mga local transmission habang 47 ang mga kabuuang kaso, ayon sa Health Department.

Kaya naman gayon na lamang ang pagdidiin ng OCTA sa contact tracing at testing.

“If we can do this, we will not lose control, we will not have people dying in our hospitals, we will not run out of oxygen, we will beat this enemy,” wika ni Austriaco.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?