28

Mar 1, 2020 @ 23:31
By

Oconer pa rin sa overall tapos ng Ronda Stage 7

Nakipagsabayan si Arjay Peralta sa mga tigasing siklista upang maipagmalaki siya ng kanyang mga kalugar sa Nueva Ecija.

Hindi bumitaw si Peralta, 26 sa mga grupo na big gun kaya naman swak siya sa Top 10 finisher sa Stage 7 ng Ronda Pilipinas na pinagwagian ni two-time champion Jan Paul Morales ng Standard Insurance-Navy.

Na-impress ang mga Novo Ecijano, maging si Mayor Adrianne Mae Cuevas sa ipinakitang tikas ng Sta. Rosa native cyclist sa event na inorganisa ng LBC at pakikipagtulungan ng Manny V. Pangilinan Sports Foundation.

Bukod kay Peralta, sinalubong din ng mga taga-Palayan City si Rench Michael Bondoc na swak din sa Magic 10th sa bikathon na mga suportado ng Versa, 8A Performance, Print2Go, Petron, Green Planet, Bike Xtreme, Standard Insurance, Spyder, CCN, Lightwater, Prolite, Guerciotti, Black Mamba, Boy Kanin, Vitamin Boost, NLEX-SCTEX, Maynilad, 3Q Sports Event Management Inc., LBC Foundation at PhilCycling.

“We’re so happy here in Palayan that we are being recognized because of this race and we are thankful to Ronda Pilipinas,” masayang sabi ni Cuevas.

Nasaksihan ni Mayor Cuevas ang suporta ng mga kababayan niya sa mga siklista.

Sumanib si Cuevas sa Ronda bilang isa sa mga sponsor at nagbigay ng P100,000 para sa kampanya ng Team Nueva Ecija.

Pangalawang na ng 34-anyos na si Morales ang tagumpay rito, una sa Stage 6 noong Sabado. Nagtala siya ng dalawang oras, 35 minuto at 20 segundo, pangalawa si Dominic Perez ng Bicycology-Army habang pangatlo si Rustom Lim ng 7-Eleven Cliqq-Air21 by Roadbike Philippines.

Nanatiling nasa tuktok ng overall individual classification si George Oconer, 28 ng Navy, may aggregate na 23 oras, apat na minuto at 13 segundo matapos ang pitong stage.

Nasa 2nd hanggang 6th ng overall IC sina 2018 king Ronald Oranza, Ronald Lomotos, John Mark Camingao, Jenrey Navarra at El Joshua Cariño na mga Navy pedapusher.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?