17

Sep 28, 2021 @ 17:46
By

OCD: Walang nasawi sa lindol sa Mindoro, pinsala kaunti

Iniulat ng Office of Civil Defense (OCD) ngayong Martes na walang nasugatan o nasawi sa 5.7 magnitude lindol na yumanig sa Occidental Mindoro na naramdaman pa sa NCR noong Lunes.

“We are glad to report that there were no injuries and casualties following the earthquake at dawn on Monday,” pahayag ni OCD-Mimaropa information officer Georgina Opinion.

Aniya, aabot lamang sa P15,000 ang halaga ng pinsala dulot ng pagyanig.

“Despite the strong tremor, very minor damage were reported by our local government units,” wika ni Opinion.

Nag-ikot na umano ang mga lokal na pamahalaan sa kanilang lugar upang siguruhin ang kaligtasan ng mga imprastraktura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?