73

Dec 28, 2017 @ 19:12
By

OCD operation, hahawakan ni Faeldon

Sensitibo, mabigat at napakahalaga ng magiging trabaho ni dating Customs Chief Nicanor Faeldon sa Office of Civil Defense.

Inanunsiyo ni National Disaster Risk Reduction and Management Council Romina Marasigan na hahawakan ni Faeldon ang operation ng OCD.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang linaw kung kailan makakalabas ng detention facility ng Senado si Faeldon kung saan ilang linggo na siyang nakakulong dahil sa pagtanggi ba dumalo sa pagdinig ukol sa P6.3 billion shabu scandal sa Customs Bureau.

Samantala, nalugod naman sina Defense Sec. Delfin Lorenzana at NDRRMC Executive Director Ric Jalad sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Faeldon bilang deputy administrator ng OCD.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?