8

Feb 5, 2021 @ 9:19
By

Occidental Mindoro niyanig ng lindol

Tumama ang magnitude 4.9 na lindol sa Occidental Mindoro, Biyernes ng umaga.

Ayon sa tala ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), tumama ang episentro ng lindol sa 60 kilometro timog-kanluran ng San Jose sa Occidental Mindoro bandang 7:49 ng umaga (Pebrero 5).

May lalim na 14 kilometro at tectonic ang pinagmulan ng pagyanig.

Naitala ang Instrumental Intensity 3 sa San Jose, Occidental Mindoro, at Roxas City, at Instrumental Intensity 1 sa San Jose de Buenavista at Sebaste, Antique.

Wala namang inaasahang pinsala sa mga ari-arian at aftershocks ang Phivolcs matapos ang lindol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?